Kabuuang 23 loose firearms, nakumpiska ng CIDG-7 sa mga operasyon sa Central Visayas
Hindi bababa sa 23 loose firearms ang nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group Central Visayas (CIDG-7) sa kanilang operasyon sa rehiyon mula Oktubre 26-31.
Sa nasabing bilang, 19 dito ang mga isinuko sa mga barangay, 4 ang resulta sa isinagawang search warrant at nasa posisyon ng mga wanted persons.
Inihayag ni CIDG-7 chief Col. Peter Tagtag Jr. na nagsagawa sila ng Oplan Paglalansag Omega bilang isa sa kanilang paghahanda para sa mapayapang pagdiriwang ng All Saints at All Souls’ Day ngayong taon.
Sinabi pa ni Tagtag na sa kanilang Oplan Huli-day, 9 na indibidwal ang nahuli kung saan kabilang din ang mga most wanted dito.
Nakakatulong pa umano ang operasyon at pagkumpiska ng mga armas na maiwasan ang mga krimen.