-- Advertisements --

Hinamon ng Kabataan party-list si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na magpakalalaki at huwag maduwag at harapin ang kaso kaugnay ng war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Manuel  hindi pang-aapi ang imbestigasyon, swerte pa nga ni Sen. Bato dahil binibigyan pa siya ng due process at pagkakataong magpaliwanag, ‘di tulad ng libo-libong mga Pilipino, lalo mga kabataan, na pinatay sa pekeng gera kontra droga dahil lang pinaghinalaan ng mga pulis.

Ginawa ni Manuel ang pahayag matapos na hamunin ni Dela Rosa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpakalalaki at sabihin sa publiko kung may plano ito na payagan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs na isang pagtalikod sa kanyang sinabi noong Nobyembre.

Dagdag pa ni Manuel na ang pagiging  makabayan ay hindi pagtaboy sa ICC kundi ang paglaban para makamit ang hustisya para sa kapwa Pilipino.

Sinabi ni Manuel na sususugan nito na makapag-imbestiga ang ICC upang mapanagot ang mga sangkot sa war on drugs campaign.