-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagdulot ng pangamba sa mga residente ng Guimbal, Iloilo, ang pag-iwan ng bangkay ng isang pinaniniwalaang may Coronavirus Disease (COVID) sa compound ng kanilang public cemetery.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jay Dorin, municipal health officer sa bayan ng Guimbal, sinabi nito na matapos na-admit sa ospital ang lalaking senior citizen ay binawian ito ng buhay.
Hindi agad lumabas ang resulta ng swab test ng pasyente na naaagnas at nangangamoy na kaya hindi na na-cremate.
Dahil dito, dinala ang labi ng pasyente sa compound ng sementeryo ngunit hindi inilibing.
Sa huli, nagdesisyon ang pulisya na ipalibing na ang bangkay.