CENTRAL MINDANAO – Personal na tinungo ni NIA central office team leader Raffy Rosete ang lokal na pamahalaan ng Kabacan, Cotabato upang iabot ang magandang balita.
Aniya, simula taong 1968 ay walang programa o proyekto ang NIA sa bayan ng Kabacan kung kaya minabuti ng tanggapan na pagkalooban ang bayan ng mas modernong Irrigation System.
Lubos naman ang pasasalamat ni Municipal Administrator Ben Guzman sa balitang ito.
Aniya, maliban sa mga road opening at mga tulong-pinansyal na kaloob ng lokal na pamahalaan sa mga Irrigators Association malaki ang maitutulong ng nasabing proyekto.
Nagpasalamat din ito sa mainit na suporta ng mga Irrigators Association sa bayan na naging daan upang matugunan angpangangailangan ng mga ito ng central office.
Siniguro din ni Guzman ang suporta ng lokal na pamahalaan sa team ng NIA na magsisimulang mag-verify at suriin ang irrigation system ng bayan.










