-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap ngayon ang ilang mga kaanak ng isang impluwensiyadong pamilya na nag-positibo ng coronaviru na nagmula sa Lanao del Sur.

Ito ay kinumpirma ni Departmartment of Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa 24 na coronavirus positives ay mag-asawa na unang nahawaan habang panay ang paglabas-pasok sa prayer room ng isang subdivision sa Metro Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Health Office chief Dr Alinader Minalang na bagamat naghihintay rin sila sa karagdagang kautusan mula sa kanilang tanggapang sentral kaugnay rito.

Inihayag ni Minalang na matapos nakumpirma na mayroong mag-asawa na positibo ng virus sa kanyang area of responsibility,agad sila nagsagawa ng contact tracing subalit walang nakitaan na kaanak nito na mayroong nadapuan ng sintoma.

Subalit tiniyak nito na hindi nila ibinaba ang kanilang pagbabantay lalo pa’t ‘invisible enemy’ ang bayrus na kalat na kalat na sa buong mundo.

Magugunitang bago makaabot ang mga taga-Lanao Sur sa kani-kanilang mga kabahayan kung nagmula sa labas ng bansa o kaya’y galing sa Visayas o Metro Manila, daan ang mga ito sa paliparan ng Misamis Oriental bagay na ikinabala rin ng taga-Northern Mindanao.