Humaharap ngayon sa kontrobersya ang Korean singer at aktor Cha Eun-woo dahil sa pag-iwas ng pag-babayad ng buwis na umabot sa humigit kumulang na 20 billion won o nasa P804 million.
Ini-imbestigahan siya ng Seoul Regional Tax Office at nakatanggap ng karagdagang tax assessment mula sa National Tax Service (NTS).
Ayon sa ulat, itinatag umano ni Eun-woo ang isang family company sa pamamagitan ng kanyang ina upang hatiin ang kanyang kita at bawasan ang buwis.
Naglabas ng pahayag ang agency ni Eun-woo, ang Fantagio, na nagsabing patuloy nilang lilinawin ang isyu at makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.
Tiniyak din nilang tutuparin ni Eun-woo ang kanyang mga legal na obligasyon.
Dahil sa isyu, ilang local brands na ine-endorso ni Eun-woo ang nag-desisyon nang alisin ang singer sa kanilang campaign.
Si Eun-woo ay kasalukuyang nagsisilbi sa Army Band bilang bahagi ng kanyang mandatory military service.










