-- Advertisements --

Patungo na si dating Senador Senator Joseph Victor ā€œJVā€ Ejercito sa pag-secure ng safe spot sa senatorial race, batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey.

Makaraang pumang-14 noong February survey at pang-12 noong Marso, umakyat si Ejercito sa ika-9 na puwesto sa April 16-21, 2022 survey ng Pulse Asia.

Bilang isa sa best performing candidates sa senatorial election, gumaganda ang standing ng dating senador sa iba’t ibang surveys simula nang mag-umpisa ang national campaign period noong Pebrero.

Noong Marso ay umakyat sa ika-7 na puwesto si Ejercito sa March 5-10 survey ng OCTA Research. Sa nakalipas na February 12-17 survey ng OCTA ay pang-12 ang dating senador.

Samantala, pang-7 din siya sa most preferred senatorial candidate sa SWS survey na isinagawa noong February 25-28, habang pang-8 sa Pulso ng Pilipino senatorial survey ng Issues and Advocacy Center simula March 7 hanggang 13.Bago ang campaign period, nasa pang-13 hanggang 18 si Ejercito sa karamihan ng senatorial surveys.

Ang mga endorsements ng ilang presidential candidates, gaya ni presidential frontrunner Ferdinand ā€œBongbongā€ Marcos Jr., at ilan pang mga kandidato mula sa iba’t ibang lalawigan ang inaasahang magpapalakas pa sa kandidatura ni Ejercito habang papalapit ang May 9 elections.

Pinasalamatan naman ni Ejercito ang kanyang mga kaibigan, colleagues at supporters sa pagtulong sa kanya sa kabila ng kanyang mahirap na pangangampanya.