Justin Timberlake
Justin Timberlake/ IG post

Pinangalanan ng Songwriters Hall of Fame ang 38 year old Grammy award winning singer na si Justin Timberlake bilang second recipient ng “Contemporary Icon Award”.

Ang nasabing award ay binibigay lamang sa mga celebrity na nagkaroon ng “Iconic Status” sa pop culture at sila mismo ay magiging inductees at mapapabilang na sa organisasyon.

Tatanggapin ni Timberlake ang parangal sa June 13 sa Marriot Marquis Hotel sa New York.

Kasama din niya sa gaganaping awarding ceremony sina Missy Elliot, Dallas Austin, at “Without Me” singer na si Halsey.

Noong 2015, si Lady Gaga ang kauna-unahang nakakukuha ng “Contemporary Icon Award” na binibigay ng nasabing songwriters group.