-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ng dating NSync member na si Justin Timberlake na ito ay dinapuan ng Lyme disease.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang lagay ng kaniyang kalusugan.

Paglilinaw nito na kaya niya ibinahagi ang pagka-diagnosed ng Lyme disease para hindi humingi ng anumang simpatiya.

Ang nasabing sakit ay isang uri ng bacterial infection na kumakalat sa tao sa pamamagitan ng isang pulgas.

Giit nito na hindi siya titigil sa pagsasagawa ng mga konsyerto kapag tuluyan na itong gumaling.

Magugunitang ilang mga singers na rin ang dinapuan ng Lyme disease na kinabibilangan nina Avril Lavigne, Daryl Hall, Shania Twain, Justin Bieber at maraming iba pa.