-- Advertisements --
Ipagpapatuloy pa rin ni Justin Bieber ang kaniyang mga concert tour ngayong taon.
Ayon sa kaniyang promoter na AEG Presents, na isasagawa nito ang “Justice” world tour sa Lucca Summer Festival sa Italy sa darating na Hulyo 31.
Maging ang mga concerts nito sa iba’t-ibang bansa sa Europa ay matutuloy habang kaniyang iaanunsiyo naman ang hindi pagtuloy sa mga shows niya sa US.
Magugunitang dinapuan ng isang sakit ng pamamanhid ng kalahating mukha niya at patuloy na itong nagpapagaling.
Nakatakda ring magbalik sa bansa ang Canadian singer sa darating na Oktubre 29.