Umatras na rin si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa automatic nomination sa chief justice position.

Ito ay dahil magreretiro na rin si Carpio sa darating na Oktubre.

Una na ring umatras sa automatic nomination si Associate Justice
Marvic Leonen.

Sina Leonen at Carpio ay kapwa kabilang sa Top 5 most senior na mahistrado ng Supreme Court (SC) kaya otomatiko silang napabilang sa mga aplikante sa chief justice post.

Tiniyak naman ni Leonen na kanyang susuportahan ang sino mang mahihirang na susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Maging si Associate Justice Diosdado Peralta na kasama sa mga limang pinaka-senior na mahistrado ay umatras na rin sa nominasyon.

Sa darating na Oktubre ay magreretiro na si Chief Justice Lucas Bersamin.