Balik trabaho na bilang kalihim ng Department of Justice si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos itong sumailalim sa bypass procedure dahil sa nakitang bara sa kanyang puso.
Ayon sa kalihim, natuloy ang kanyang procedure isang araw matapos itong maghain ng wellness leave.
Kung maaalala, nagsumite ng wellness leave si Remulla noong June 26 ng kasalukuyang taon at ngayong araw ang pang siyan araw ng kanyang naturang leave.
Aniya ,sa ngayon ay kinakailangan pa rin niyang sumailalim sa Physical Rehabilitation Session o Physical Therapy matapos ang kanyang operasyon.
Bagamat balik trabaho na ang kalihim ,hindi muna ito magpapabalik balik sa kanyang opisina sa loob ng 3 linggo o isang buwan para makapag pahinga siya ng maayos.
Siniguro naman ni Remulla na patuloy pa rin siyang makikipag ugnayan sa kanyang mga UnderSecretaries via video conference para sa mga mahahalagang updates ng Departamento.
Pinayuhan rin aniya siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unahin muna ang kanyang pagpapakas at pagpapagaling para makapagsilbi ito ng maayos bilang kalihim ng Justice Department.
Ikinatuwa rin aniya ng punong ehekutibo na mas pinili niyang sumailalim sa bypass procedure.
Samantala, pinabulaan rin ng Kalihim ang kumalat na impormasyon na siya ay magreresign na matapos ang kanyang operasyon.
Siniguro ng kalihim na magpapatuloy ang kanyang commitment bilang kalihim ng Department of Justice .