Nais ngayon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na mas malawak pa ang magiging mandato ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG).
Ito ay upang mapakinabangan at magamit daw ng buong bansa ang kanilang function.
Dahil dito, ipinanukala ng kalihim na gawing “Fitted Assets Management Office” ang Presidential Commission on Good Governance (PCGG).
Naniniwala kasi si Remulla na panahon na upang palawakin ang sakop ng kapangyarihan ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG).
Sa naging pagdinig ng Commission on Appointments (CA), pinunto ni Remulla na 36 na taon na ang PCGG at sa mga taong ito ay iisa lang ang kanilang mandato, ang habulin ang mga diumano’y ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos.
Samantala, sa panukala namang i-abolish na ang PCGG, sinabi ni Remulla na ang Kongreso na ang dapat na magdesisyon dito.