-- Advertisements --
DOJ

Nagkaharap na si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at si Mama Fatima Singhateh, ang United Nations (UN) special rapporteur on the sale and sexual exploitation of children.

Nagkaroon ang mga ito ng dayalogo ngayong araw.

Pasado alas-11:20 ng umaga nang makarating si Singhateh sa compound ng Department of Justice sa Maynila.

Si Singhateh ang unang UN special rapporteur na bumisita sa Pilipinas mula noong 2015.

Ayon kay Remulla, ang nangyari ang “courtesy call” sa kanya ni Singhateh at kanyang binanggit ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan ukol sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan.