-- Advertisements --
Supreme Court
Supreme Court

Tiwala si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen na hindi papatulan ng mga mambabatas ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya ni Atty. Larry Gadon sa Kamara.

Ayon kay Leonen, sa daming kinakaharap na krisis ngayon ng bansa, tiyak aniyang tamang desisyon ang gagawin ng mga mambabatas.

Ito ay lalo na’t wala naman aniyang basehan ang mga paratang laban sa kanya.

Sinabi ni Leonen na sa ngayon ay wala pa siyang natatanggap na kopya ng nasabing reklamo.

Sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Gadon laban kay Leonen, ginamit nitong ground ang aniyay hindi pag-aksyon ng mahistrado sa mga kasong hawak nito sa Korte Suprema.

Bukod pa aniya rito ang hindi paghahain ni Leonen ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Inakusahan si Leonen na hindi naresolba ang 37 sa 82 pending cases sa loob ng 24 na buwan na paglabag daw sa section 15(1) ng Article VIII ng Philippine Constitution.

Nakasaad ditong ang lahat ng mga kaso ay dapat maresolba sa loob ng 24 oras nang maisampa ang kaso sa SC.