-- Advertisements --
Pansamantala muling isasara ang pasilidad para sa paanakan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital dahil sa puno nang kapasidad nito para sa mga manganganak na pasyente.
Sa isang advisory, sinabi ng ospital na mula pa noong Sabado nang ihinto nila ang pagtanggap sa mga bagong buntis na pasyente dahil nasa 233% na ang kanilang occupancy rate.
“Ibig sabihin ay mahigit pa so doble ang bilang ng pasyente kumpara sa kama ng ospital.”
Pinayuhan ng pagamutan na sa ibang ospital muna magtungo ang mga buntis na manganganak. Wala pang petsa kung kailan muli tatanggap ng buntis ang ospital.
“Maghintay po ng anunsiyo kung kailan magbubukas muli ang JJASGH. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.”










