-- Advertisements --

Nag-inhibit si Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio sa deliberasyon sa petisyon na i-nullify ang $62 million loan agreement ng pamahalaan sa China para sa Chico River irrigation pump project sa Cordillera.

Ayon sa isang source, nagdesisyon umanong hindi sumali sa deliberasyon si Carpio sa petisyong inihain ng Makabayan bloc sa Kamara dahil sa mga naging pahayag nito sa isyu.

Una rito, sinabi nga ni Carpio na posibleng ipambayad sa loan agreement ang natural gas deposits ng Recto Bank kapag hindi nabayaran ang loan ng Pilipinas sa China.

Sinasabing ginawang collateral ang Recto Bank sa perang inutang para sa Chico River irrigation project.