-- Advertisements --
Sasailalim pa sa evaluation sa susunod na linggo si six time Most Valuable Player June Mar Fajardo kung maari na ito ng makapaglaro sa PBA at sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup.
Sinabi ni coach Jorge Gallent na ang 6-foot-11 center ay sasailalim pa ng panibagong round ng check up sa kaniyang MCL injury.
Natamo nito ang injury noong East Asia Super League (EASL) Champions Week .
Bagamat medyo maayos na ang kalagayan ng 33-anyos na si Fajardo ay dalawang beses na rin itong sumali sa ensayo ng Beermen.