-- Advertisements --

Maraming mga basketball fans ang hindi na nagulat sa muling pagkakahalal kay San Miguel Beermen star June Mar Fajardo bilang Best Player of the Conference ng PBA Season 49 Philippine Cup.

Mayroon itong average na 16 points , 13.95 rebounds, 3.2 assists at 1.1 blocks.

Nakakuha ang 6-foot-10 na Cebuano ng kabuuang 1,085 na kabuuang puntos para makuha ang pang 12 na BPC overall.

Pumangalawa naman sa kaniya ang kapwa Beermen na si CJ Perez na mayroong 704 points na sinundan ni NLEX player Robert Bolic na mayroong 562 points habang nasa pangatlong puwesto si Zav Lucero ng Magnolia at Jayson Perkins ng Phoenix.