-- Advertisements --
Lumakas pa ang typhoon Julian habang nananatili sa silangang bahagi ng extreme Northern Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 715 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 20 kph.
Habang habagat naman ang nakakaapekto sa Luzon at Visayas.