Kabuuang 52 personalidad ang makakatanggap ng Ani ng Dangal awards na ibibigay sa isang seremonya sa MalacaƱang mamayang hapon na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang award na ito ay binibigay ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga personalidad na nakakuha ng international awards sa nakaraang taon.

-- Advertisement --

Nasa 17 artista sa larangan ng cinema ang makakatanggap ng Ani ng Dangal kabilang na ang actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo at Alden Richards.

Gagawaran rin ng parangal ang isang artist mula sa Architecture and the Allied Arts, pito mula sa Dance category, tatlo sa Literary Arts, walo sa Music at 16 sa Visual arts

Ang Ani ng Dangal awards ay ang isa sa mga highlight ng National Arts Month na idinaraos kada Pebrero, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 683 na nilagdaan noong 1991.