-- Advertisements --

Inatasan ng Pennsylvania appeals court judge ang mga state offiicials na itigil ang pag-certify sa resulta ng halalan.

Ayon sa inilabas na kautusan ni Commonwealth Court Judge Patricia McCullough na magkakaroon muna ng pagdinig sa Nobyembre 27 para mabigyang linaw ang inihaing protesta ng kampo ni US President Donald Trump.

Kinuwestiyon kasi ni Republican Rep. Mike Kelly ang 2.5 million na mail-in ballots na napasama sa boto para kay Democrats presidential candidate Joe Biden.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pag-sertipika ng ilang eleksyon officials sa resulta ng halalan sa nasabing estado.