-- Advertisements --

Pormal nang naiproklama ng City Board of Canvassers bilang bagong halal na mayor at vice mayor ng Quezon City sina Joy Belmonte at Gian sotto.

Si Belmonte ay nakakuha ng kabuuang 459,480 votes, habang si Vice Mayor Gian Sotto ay mayroong 382,393 votes.

Sa panayam kay Belmonte, kaniyang sinabi na isa sa priority niya bilang bagong alkalde ng Quezon City ay magkaroon ng “world class” na kulungan.

Sa katunayan aniya ay may nakita na silang lupa sa Payatas kung saan maaaring i-construct ang bagong detention facility.

Samantala, ang kontrobersyal na mambabatas na si Bingbong Crisologo ay nakahakot ng 366,215 votes.

Si Crisologo ay inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code.