-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Anim na minuto bago mag-alas 6:00 ng gabi ay naramdaman ang medyo may kalakasan na pagyanig dito sa lungsod GenSan.

Tinatayang tumagal ang pag-uga ng lupa ng halos dalawang minuto.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay kasabay ng naitalang magnitude 5.4 na lindol sa 28 kolometers Southeast sa bayan ng Jose Abad Santos Davao Occidental bandang 5:54 ng hapon ng Huwebes(February 20).

May lalim na 186 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 4 sa General Santos City, intensity 3 sa Kiamba, Alabel at Malungon, Sarangani Province at Tupi, South Cotabato habang intensity 1 sa Kidapawan City and Koronadal City.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks matapos ang malakas na pagyanig.