-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na hindi na nila makakasama sa FIBA Basketball World Cup si Jordan Heading matapos ng magtamo ng back injury.
Sinabi ni Reyes na mula ng magsimula sila ng training noong nakaraang buwan ay inirereklamo na ng Filipino-Australian ang pananakit nito ng likod.
Sa kasalukuyan ay nasa bansa ang 27-anyos na si Heading at nakatakdang bumalik ito sa US para magpagamot.
Ang shooting guard na si Heading ay pangunahing bahagi ng rotation ni Reyes sa sixth at final window ng World Cup qualifiers na ginanap sa bansa noong Pebrero.
Mayroong average ito na 9.2 points, 2 rebounds at tatlong assist.
Dahil dito ay maghahanap pa ng ibang kapalit si Reyes kay Heading.