-- Advertisements --

Iniulat ngayon ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na posibleng maglaro muli sa ilalim ng bandila ng Pilipinas ang NBA star na si Jordan Clarkson kaugnay sa next window FIBA World Cup qualifiers sa susunod na buwan.

Umaasa si Reyes na matuloy ang pagbabalik ni Clarkson kung saan magsisimula ang torneyo sa Agosto 25th hanggang Agosto 29.

Sa ngayon kasi ay naka-break ang NBA.

Ang Utah Jazz guard ay may dugong Pinoy dahil sa kanyang ina.

Noong 2018 Asian Games sa Jakarta ay naglaro na rin si Clarkson sa Gilas matapos na payagan ng NBA.

Liban nito ay ilang mga PBA players na rin ang makakasali sa national team ng Pilipinas dahil magtatapos na ang liga sa kanilang finals.

Kung maaalala sa ginaganap ngayon na 2022 FIBA Asia Cup sa Indonesia ay nagtala ng worst performance ang Gilas kung saan karamihan sa mga players ay nagmula sa amateur.

Ang fourth window ng qualifiers sa susunod na buwan ay muling makakalaban ng Pilipinas ang Lebanon.

Kung maalala sa Asia Cup ay inilampaso ang Pilipinas ng Lebanon.

Samantala umaasa rin naman ang coaching staff ng Team Pilipinas na sana makalaro rin sa Gilas ang higanteng si Kai Sotto.