-- Advertisements --

Nakatakdang sumama sa Gilas Pilipinas si Jordan Clarkson sa huling bahagi ng buwan ng Hulyo, habang nagpapatuloy pa rin ang ensayo ng national basketball team para sa 2023 FIBA World Cup.

Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na isinasapinal na nila ang schedule para kay Clarkson, pero ang malinaw aniya ay makakasama na sila ng Gilas sa dadaluhang laban sa China.

Nakatakda kasing kalabanin ng Gilas ang Chinese team sa huling bahagi ng Hulyo, bilang bahagi ng nagpapatuloy nilang tune-up practice.

Ayon kay Panlilio, nauna na ring nag-commit si Clarkson sa Gilas, kayat inaasahan ng buong team ang magiging suporta ng NBA star.

Una rito, ginugul ng Gilas ang mahigt isang linggo habang nagsasanay ang koponan sa probinsya ng Laguna.

Bukas, nakatakda naman silang bibiyahe patungong Europe upang makaharap sa friendly game ang mga national team ng Estonia, Finland, at Latvia.