DENVER — Nagtapos na may triple-double si Nikola Jokic, nakapagtala ng clutch floater si Jamal Murray sa huling 36.8 seconds ng laro at nanalo ang Denver Nuggets kontra San Antonio Spurs, 90-86, sa kanilang Game 7.

Kumamada si Jokic ng 21 points, 15 rebounds, at 10 assists para umusad ang Nuggets sa postseason sa unang pagkakataon sa nakalipas na isang dekada.

Samantala, tumipa naman ng 21 points si Rudy Gay para sa San Antonio, habang si DeMar DeRozan at Bryan Forbes ay kapwa nagdagdag ng 19 points.