-- Advertisements --

Doble ang selebrasyon ni Nikola Jokic para sa kaniyang ikatlong NBA MVP award at panalo ng Denver Nuggets kontra sa Minnesota Timberwolves.

Nagpasok kasi si Jokic ng 40 points sa laban para maitala ang 112-97 victory sa Game 5 ng Western Conference.

Dahil dito, isang panalo na lang ang layo nila para sa pag-level up sa nagpapatuloy na NBA playoffs.

Maliban sa MVP, nagdagdag din si Aaron Gordon ng 18 puntos at 10 boards, at umiskor naman si Jamal Murray ng 16.

Kumapit naman si Anthony Edwards sa 18 points sa 5-of-15 shooting.

Pinangunahan ni Karl Anthony-Towns ang Wolves na may 23 puntos at si Rudy Gobert ay umiskor ng 18.

Sa kanilang unang tatlong sunod na pagkatalo sa season, ang Wolves ay kailangang mapigilan ang katunggaling Denver upang pilitin na magkaroon pa ng Game 7.