Umalis na si Johnny Depp sa film franchise na “Fantastic Beast”.
Kasunod ito ng pagbasura ng libel case na isinampa niya sa isang diyaryo na nag-akusa ng pananakit sa asawa.
Sa sulat sa kaniyang mga fans, pinagbitiw ito mula sa kaniyang role bilang si Gellert Grindelwald.
Nirerespeto aniya nito ang naging kautusan ng mga nasa film franchise.
Ayon sa film studio na Warner Bros, na ikinalungkot nila ang pagtanggal kay Depp.
Dahil dito ay maghahanap na lamang sila ng kapalit niya.
Magugunitang ibinasura ng korte ang kasong libel na isinampa ng 57-anyos na actor sa Sun newspaper dahil sa paglathala ng artikulo noong 2018 tungkol sa pananakit sa asawa nitong si Amber Heard.
Nakakita kasi si Judge Mr Justice Nicol na may matibay na ebidensiya ang nasabing pahayagan.