Nilinaw ni John Regala na nahihiya lamang ito sa patuloy na pagbuhos ng tulong sa kanya mula noong matagpuang nanghihina sa isang lugar sa Pasay City.
Pahayag ito ng 55-year-old former character actor kasunod ng impormasyon na umano’y hindi ito masunuring pasyente habang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI.)
Ayon kay Regala, kontento naman siya kahit isang doktor lang ang titingin sa kanya para hindi na sana umabot pa sa mahigit P100,000 ang nagastos.
Kahapon nang lumabas na sa private room ng NKTI si Regala matapos ang isang linggong pagkaka-confine dahil sa liver cirrhosis at iba pang sakit.
Una nang inihayag ng talent manager na si Aster Amoyo, na kung sila raw ang masusunod ay gusto muna nilang manatili ang aktor sa ospital.
“We have no choice but to give in to his request to go home. We have to admit that John is not a cooperative patient and we can only do so much. Praying that we are still able to continue helping him but we also have our own limitations,” bahagi ng pahayag ni Amoyo.