Nilinaw ng Malacanang na pinapayagan ang jogging, biking, at iba pang exercise-related activities sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) pero tuwing alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga lamang.
Iginiit ni presidential spokesman Harry Roque na maari lamang gawin ang mga aktibidad na ito sa lugar sa palibot ng tirahan o sa kanikanilang mga barangay o komunidad lamang.
Aminado si Roque na mahalaga ang eherssyo subalit sa panahon at sitwasyon ngayon kailangan aniya ang ibayong pag-iingat kaya naman dapat isagawa lamang ito sa mga itinakdang lugar lamang upang sa gayon ay hindi na rin masita.
Iginiit ni Roque na ang pagpunta sa mga parke at iba pang mga lugar, katulad na lamang ng Luneta Park, para makapag ehersisyo ay mahigpit na ipinagbabawal sa ngayon.