Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa iba;t ibang ahensya ng gobyerno na ipadala sa kanila ang listahan ng kanilang mga job openings para mailagay ito sa job portal ng CSC at kanilang regional field offices.
Mas madali raw kasi itong makikita ng mga aplikante na nagnanais makakuha ng trabaho sa mga government offices.
Sinabi ni Commissioner Aileen Lizada na bawa job openings ay kailangang naka-publish sa CSC website bago makakuha ang isang ahensya ng empleyado.
Ito ay para umano mamonitor ng CSC ang bilang ng mga job openings sa bawat ahensya ng gobyerno dahil karamihan aniya ng mga posisyon ay hindi pa nalalagyan ng empleyado sa loob ng mahabang panahon.
Ayon pa kay CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala, nakasaad sa Memorandum Circular No. 25 noong Nobyembre 20, na layunin ng commission na i-adopt ang unified platform para sa publication ng mga bakanteng posisyon sa gobyerno sa pamamagitan ng CSC website.
Nais din panatilihin ng CSC ang isang online portal para sa job vacancies sa mga ahensta ng gobyerno.
Sa mga interesado at qualified applicants, maaaring i-check ang job postings sa CSC job portal para malaman kung anong posisyon ang bakante.
Makikita rin dito ang place of assignment, salary grade at buwanang sahod.
Batay sa datos ng CSC, mahigit 7,000 government job positions ang bukas para sa mga interesadong indibidwal.