-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tanggal sa trabaho ang isang Job order employee ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan City na sangkot sa illegal drug trade.

Nakilala ang suspek na si Jude Paolo Javier,25 anyos, na naka-assign sa City Health Office at sideline nito ang pagbebenta ng pinagbabawal na droga.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Peter Pinalgan na nagsagawa ng anti-drugs operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-12) at pulisya laban sa suspek.

Nang akto nang kunin ni Javier ang padalang package sa kanya ng isang shipping and courier services company ay doon na ito hinuli.

Ang package ay naglalaman ng marijuana leaves na nagkakahalaga ng 1,303.050 million pesos. Bukod dito nakumpiska rin sa suspek ang Vape cartridges at pinaniniwalaang marijuana oil.

Sinabi rin ni Kidapawan City Mayor Atty Pao Evangelista na tanggal na sa trabaho si Javier dahil sa kinasasangkutan nitong kaso.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Kidapawan City PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.