-- Advertisements --

Hinangaan ng kaniyang fans ang singer na si Juan Karlos Labajo o JK Labajo dahil sa pagmamalasakit na ipinaktia sa dalawang buwang sanggol.

Sa kumalat na video sa social media na makikita ang 23-anyos na singer na kinuha ang sanggol sa audience.

Dito ay makikitang pinagsabihan niya ang magulang nito na huwag isakripisyo ang kaligtasan ng anak dahil sa kanilang kaligayahan.

Hindi aniya maganda sa bata ang mga manood ng mga concerts dahil sa ingay lalo na ang mapakinggan ang mga kanta nito na may mura.

Dahil sa nasabing pagkalat ng video ay umani ito ng paghanga sa kaniyang mga fans kung saan sinang-ayunan ang tugon na ito ng singer.