-- Advertisements --

Nagwagi sa kaniyang unang amateur fight ang anak ni Flipino boxing icon Manny Pacquiao na si Michael.

Tinalo nito si Nataniel Ruiz sa amateur bout na ginanap sa BF Parañaque Phase 1 Gymnasium nitong Linggo.

Ang nasabing laban ay bahagi ng Kamao ng Kabataan : Parañaque Edition.

Si Michael ang pangalawa sa anak ng dating senador na sumunod sa yapak ng ama.

Una ay si Jimuel na kasalukuyang nagsasanay sa ilalim ni Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym.