-- Advertisements --
Pumirma ng dalawang-taon na kontrata sa San Miguel Beer si dating De La Salle University star player Jeron Teng.
Kinumpirma ng kaniyang agent na si Danny Espiritu ang pagpirma ng Teng sa nasabing PBA team.
Nagpost rin si Espiritu ng larawan kung saan makikitang nakikipagkamay si Teng kay San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua.
Magugunitang noong Agosto ay nabigong magrenew ng kaniyang kontrata ang 29-anyos na si Teng sa Converge FiberXers.
Mayroong average ito na 12.9 points, 5.6 rebounds at 2.1 assists na dating pang-limang overall pick ng Alaska Aces noong 2017 PBA Rookie Draft.