-- Advertisements --

Masayang ipinamalita ni Jennifer Lopez na ito ay engaged na sa nobyong si Ben Affleck.

Sa kaniyang social media ay nagbahagi ito ng larawan habang may suot na engagement ring.

Isang kulang green na diamond ring ang suot ng singer-actress.

Unang nagkasama ang dalawa noong 2002 at tinapos ang kanilang engagement noong 2004.

Taong 2021 ng muling magkasama ang dalawa.

Ang 52-anyos na si Lopez ay mayroong 14-anyos na kambal na anak sa asawang si Marc Anthony habang ang 49-anyos na si Ben ay may tatlong anak mula sa dating asawang si Jennifer Garner.