Certified husband and wife na ang Oscar-winning actress na si Jennifer Lawrence at kanyang boyfriend na si Cooke Maroney.

Ito’y matapos ang mahigit walong buwan mula nang lumutang ang pagiging “engaged” ng dalawa.

Batay sa impormasyon, ginanap ang pag-iisang dibdib nina Mr. and Mrs. Maroney sa Newport, Rhode Island.

Kabilang sa star-studded guest list ay sina Adele, Emma Stone, Kris Jenner, Amy Schumer, at iba pa.

Una nang lumikha ng ispekulasyon na engaged na ang “Hunger Games” star matapos itong mamataan na mayroong suot na singsing habang kasama si Maroney.

Nagsimula umano ang love story ng 34-year-old art dealer at 29-year-old actress nang magpakilala sa pamamagitan ng kanilang common friend noon lamang nakaraang taon. (OMG)