-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 19 13 47 03 61

Masama ngayon ang loob ng ilang jeepney drivers sa Maynila partikular ang mga drivers na may biyahe o rutang Divisoria-Blumentrit hanggang sa Gil Puyat sa Pasay City dahil hindi pa rin sila pinayagang makabiyahe.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Renato Miraran, isang jeepney driver sa Manila, sinabi nitong kagabi ay may nga pinayagan nang bumiyahe pero hindi kasama ang kanilang ruta.

IMG 20200819 141659

Nais nilang makapasada na rin lalo na’t inilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Kuwento ni mang Renato, mula nang mag-lockdown ay hindi na sila nakapasada hanggang ngayon kaya ang tangi nilang pinagkakakitaan ay ang pamamalimos sa kalsada.

Nanawagan na rin si mang Renato kay Manila Mayor Isko Moreno na payagan na silang bumiyahe.

Sinabi naman ng isa pang driver na si Fernando Sumaway na hindi raw sapat ang kanilang kinikita araw-araw na nasa P40 hanggang P80 lamang.

Kwento ni mang Fernando, pilit nilang pinagkakasya ang perang nakukuha sa pamamalimos para lamang mabuhay ang kanilang pamilya.

Screenshot 2020 08 19 14 17 57 60

Wala rin daw silang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan lalo na ang Social Amelioration Program (SAP).

Dahil dito, nagpapasaklolo na rin siya sa pamahalaan na bigyan ng pampuhunan para magkaroon sila ng pagkakakitaan.

Sa ngayon, hinihintay na ng mga grupo ng mga jeepney drivers ang tulong na ibibigay ng TV host na si Willie Revillame.

Maalalang sa isang press briefing ng Inter Agency Task Force (IATF) sinabi ni Revillame na magbibigay ito ng P5 million para sa mga apektadong jeepney drivers dahil sa kinahaharap ng bansang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.