-- Advertisements --
Kabilang na si Jaylen Brown ng Boston Celtics sa mga manlalaro na mayroong 10,000 points.
Naitala nito ng maibuslo niya ang 26 points sa panalo nila kontra Portland Trail Blazers 124-107.
Ang panalo ay siyang pang-13th straight sa kanilang home court.
Mayroon din tatlong sunod na double-double si Kristaps Porzingis na may 12 points at 10 rebounds.
Nagdagdag din ng 20 points si Payton Pritchard habang mayroong 15 points si Derrick White at 12 points naman si Jrue Holiday.