-- Advertisements --

Muling bumalik sa pagiging coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers si Pido Jarencio.

Pinalitan ni Jarencio bilang coach si dating PBA player Bal David.

Naging susi si Jarencio para makuha ng UST ang UAAP championship noong 2006.

Itinalaga ni Jarencio bilang mga assistant coach niya ang anak niyang si Jaren at mga dating UST players na sina Japs Cuan, Jeric Fortuna at Jaren Ledesma.

Naglaro sa UST si Jarencio kung saan nakapasok sila sa finals noong 1984.