-- Advertisements --

Matatagalan pa ang paglalaro ni Japeth Aguilar dahil sa kaniyang injury.

Sinabi ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone na patuloy ang paggaling ng 6-foot-9 center mula sa kaniyang MCL injury.

Baka abutin aniya ito ng hanggang limang linggo bago muling makapaglaro.

Dahil sa injury ay hindi na ito nakasama sa apat na laro ng kaniyang koponan.

Hindi na rin ito makakasama sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Lebanon at Jordan para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.