-- Advertisements --
Pinangunahan ni Japeth Aguilara ang panalo ng Barangay Ginebra para tuluyang talunin ang Rain or Shine 90-85.
Nagtala kasi ito ng 23 point at pitong rebounds habang mayroong 13 points at 14 rebounds si Christian Standhardinger.
Nasayang naman ang ginawang 15 points ni Mike Nieto at 14 points, 10 rebounds at pitong assists ni Beau Belga para sa Rain or Shine.
Wala pang talo ang Ginebra sa dalawang magkasunod na laban habang mayroong isang panalo at dalawang talo na ang Rain or Shine.










