Itinuturing na karangalan ng Japanese rock star na si Takahiro Moriuchi ang pagkakataong makasama sa isang performance ang Pinoy singer na si Arnel Pineda.

Ito’y para sa 1981 hit song na “Open Arms” ng American rock band ni Pineda na Journey.

Nabatid na halos 400,000 views na ang nahakot ng naturang collaboration ng dalawang rock star at patuloy na umaani na papuri sa mga netizens.