-- Advertisements --

Nasa South Korea na si Japanese Prime Minister Fumio Kishida para paigtinging ang relasyon ng dalawang bansa.

Ang nasabing mahigpit na alyansa ng dalawang bansa ay bilang pangontra sa napipintong banta ng North Korea ganun din ang China.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita ang lider ng Japan sa South Korea.

Ang pagbisita ni Kisihida ay bilang pamalit sa ginawang pagbisita rin ni South Korean President Yoon Suk Yeol noong Abril.