-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mas pinalakas pa ng Japan ang kanilang suporta sa Ukraine sa gitan ng nagpapatuloy na Russian invasion.

Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma direkta sa Japan, mariing kinokondena ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang ginawang pang-aatake ng Russian soldiers sa mga sibiliyan sa mga lalawigan sa Ukraine.

Anya, isang malinaw na paglabag sa international law ang ginagawa ng Russia kung saan ang ibang nga sibilyan ay nakahandusay lang sa daan at ang mga iba naman ay nakatali pa.

Nakipag-ugnayan na rin anya si Kishida sa international society upang magpatupad ng mas mabigat na sanction laban sa Russia.

Una nang nagpatupad ng serye ng sanction ang Japan sa Russia kasama ang United States at iba pang Western nations.