CEBU CITY – Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso ng pagkamatay ng isang Japanese national na nalunod umano sa isang beach resort sa Brgy. Tanawan, Oslob, Cebu.

Kinilala ang naturang biktima na si Mari Nobo Kurayama, 59.

Ayon kay police Senior Master Sgt. Catherine Gumagay ng Oslob PNP, nagtungo si Kurayama sa isang resort kasama ang pamilya kaninang umaga upang mag-whaleshark watching.

Pero hindi pa man daw tumatagal ang pamamalagi nito ay nakita ito ng isang tour guide na halos hindi makagalaw habang nasa dagat.

Sinubkan pa raw i-rescue ng Coast Guard ang dayuhan pero idineklara ring dead on arrival sa ospital.