-- Advertisements --

Hindi nababahala si Yuya Wakamatsu sa nalalapit na paghaharap nila ni Geje Eustaquio ng Team Lakay sa ONE: Dawn of Heroes sa Agosto 2 sa Mall of Asia Arena.
Mula sa unang pagsabak niya sa ONE Championship noong Setyembre 2018 ay hindi naging madali sa kaniyang laban.

Tinalo na siya kasi ni Danny Kingad ng Team Lakay at nasundan noong Marso 2019 sa kamay naman ni Demetrious Johnson.
Ipinagmalaki pa ng Japanese fighter sa nasabing mga nakaharap niya ay tiyak hindi magiging madali para kay Eustaquio na dating ONE champion.










