Shintaro Tsuji
Shintaro Tsuji/ Sanrio Japan image

Bumaba na sa kaniyang puwesto ang founder ng Japanese company na nasa likod ng Hello Kitty na si Shintaro Tsuji sa edad 92.

Sinabi nito na ililipat niya ang pagigin CEO sa kaniyang 31-anyos na apo na si Tomokuni Tsuji.

Ito ang unang pagkakataon na pagpapalit ng pamumuno sa kumpanya sa loob ng anim na dekada.

Noong 2013 ay pumanaw ang kaniyang anak matapos atakihin sa puso kaya sa apo na lamang niya ito inilipat ang pamamahala ng kumpanya.

Magiging epektibo ang pag-alis nito sa puwesto simula Hulyo 1.

Sinimulan ni Tsuji ang gift company noong 1960 kung saan napagtanto nito na ang mga produkto na mayroong “cute” designs ay siyang mabenta.

Mula noon ay naisip niyang gawin Hello Kitty na siyang naging iconic Japanese character.